Simbahan ng Antipolo, international shrine na!
 Magandang balita mula sa Roma ang natanggap ng Catholic Bishops Conference of the Philippines dahil noong nakaraang June 18, 2022 pormal nang idineklara ang National Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage (Antipolo Cathedral) bilang kauna-unahang international shrine sa Pilipinas at unang Marian international shrine sa buong Asya.  Timing naman na inanunsyo ito ni Bishop Francisco De Leon sa kanyang misa noong nakaraang Linggo kasabay nang pagdiriwang ng 39th anniversary ng pagkakatatag ng Diocese ng Antipolo. Palakpakan ang mga nagsisimba sa good news mula sa Vatican.  Nakakatuwang isipin na ang paboritong simbahan ng maraming Katoliko lalo na ng libu-libong pilgrims tuwing Mahal na Araw at Alay Lakad mula Quiapo Church kapag Abril 30 bukod pa sa mga nagpapa-bless ng kanilang mga bagong sasakyan ay isa na sa kinikilalang dambana sa buong mundo.  Ang Antipolo Cathedral ang ikatlong international shrine sa Asia. Ang dalawa pa ay ang St. Thomas Church Malayattoor sa India, at Haemi...