DongYan kuminang sa gala: Bianca nilampaso mga Kapuso female star

Ilan sa mga nag-stand-out sa amin sa ginanap na GMA Gala ay sina Sofia Pablo, Barbie Forteza, Heart Evangelista, Beauty Gonzalez, Marian Rivera.
Sila ‘yung lutang na lutang talaga ang ganda at kung paano nila nadala ang kanilang gown and looks.
May pa-sweet lang at siyempre, may mga napaka-class talagang tingnan lalo na si Marian.
Pero hands-down sa lahat base sa mga larawan at videos na lumabas sa social media, si Bianca Umali. Deserve na deserve niya ang nakuhang awards na Belo Beauty of the Night at Beautederm Scene Stealer Award.
At kahit marami rin celebrity couples sa GMA Gala, iba talaga ang presence ng DongYan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Kaya parang hindi mo na talaga pag-iisipan at sila ang Couple of the Night.
Ang balita namin, nasa 800 daw ang invited including the GMA executives, production head, Sparkle staff, managers at ilang invited guest outside Kapuso network.
Kung may mga nag-stand-out dahil sa magandang kasuotan at pagdadala nito, hindi maitatanggi na parang marami rin sa mga dumalo ang nag-stand-out dahil either too loud or too plain ang mga outfit.
Nagtaka naman kami dahil naka-yellow dress naman ang actress na si Alice Dixson. Hindi kaya siya napadalhan ng memo na white and black ang theme? (Rose Garcia)
The post DongYan kuminang sa gala: Bianca nilampaso mga Kapuso female star first appeared on Abante.from Abante https://ift.tt/rQU1pq8
via IFTTT
Comments
Post a Comment