Rabiya pahinga muna sa lalake

Iwas na iwas ang showbiz press na usisain si Rabiya Mateo tungkol sa ‘hiwalayan’ nila ni Jeric Gonzales.
Kaloka naman kasi, dahil parang kailan lang, halos ipagpatayan nila ni Jeric ang isa’t isa, na nangangakong all out sila sa pagmamahal ila sa isa’t isa. Pero, heto nga hiwalay na sila.
Kaya sa presscon ng TikToClock, na kasama sina Kuya Kim Atienza, Pokwang, pahapyaw lang na nabanggit ang personal nilang buhay, na kung paano nga ba sila magpapasaya ng mga manonood nila, kung malungkot ang puso, o sitwasyon nila.
Pero, sabi nga niya, hindi naman puwedeng magmukmok lang sila.
At sa tanong kung open na ang puso niya na ma-in love ulit?
“Hindi po muna. Focus muna sa career. ‘Yon din ang sinabi sa akin nina Kuya Kim at Mamang Pokwang. Sabi nila, ano man ang nangyayari sa iyo ngayon, sobrang bless ka pa rin na nandito ka sa spot na ito.
“So, tama na muna. Mas gusto ko munang maging magaling sa trabaho ko, sa paghu-host ng TikToClock,” sabi ni Rabiya. (Dondon Sermino)
The post Rabiya pahinga muna sa lalake first appeared on Abante.from Abante https://ift.tt/Z5fnI9g
via IFTTT
Comments
Post a Comment