Angelina Jolie totoong ‘sinaktan’ ni Brad Pitt

Hindi pa rin pala tapos ang divorce drama ng dating mag-asawang Brad Pitt at Angelina Jolie.
Sa ginawang imbestigasyon ng FBI sa alleged na pagwawala raw ni Pitt habang sakay ang buong pamilya niya sa isang private jet noong 2016, napatunayan na totoo ang kinuwento ni Jolie tungkol dito.
Ayon sa recorded documents, nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa at nagawang saktan ni Pitt si Jolie. Sunod naman daw ay ang verbal abuse niya sa kanilang mga anak na sina Maddox, Pax, Zahara, Shiloh, Knox and Vivienne.
Nakainom daw si Pitt at umabot sa $25,000 ang ginawa nitong damage sa private jet.
Kinuwento ni Jolie na sumakay silang pamilya sa isang private jet mula France patungong Los Angeles. Sinabihan daw ang aktres ng plane crew na bantayan nito si Pitt dahil nakita nilang lumalaklak ito ng isang bote ng red wine noong sumakay ito ng jet.
Sa ginawang imbestigasyon sa jet, natagpuan ang wine stains sa maraming parte ng jet, patunay na nagwala si Pitt habang nakainom ito.
Sa isa pang kuwento ni Jolie ay habang tulog siya ay naramdaman niyang may bumuhos ng tubig sa kanya. Yun pala ay binuhusan siya ng beer ni Pitt. Doon na raw nagsimula ang sagutan nilang dalawa at dinamay pa raw ng aktor ang kanilang mga anak.
Dahil sa insidenteng iyon kaya nag-file agad si Jolie ng divorce kay Pitt. Na-declare na silang single noong 2019. (Ruel Mendoza)
from Abante https://ift.tt/omN0kxs
via IFTTT
Comments
Post a Comment