Boobey ni Alex nilait


Binasag ni Luis Manzano ang kaligayahan ni Alex Gonzaga nang iyabang niya ang limang taon na pamamayagpag sa social media.
Buong ningning na sinopla ni Luis ang photo na binalandra ni Alex sa Instagram. Sa photo kasi ay nakatakip lang ang dibdib ni Alex ng tela at litaw ang kanyang tiyan.
Sabi ni Alex sa kanyang mga follower, “Happy fifth anniversary to us dear netizens! Umaraw, umulan at bumagyo salamat dahil kasama ko kayo sa limang taon to another 5 years!”
Pero, sa halip na i-congratulate ay sinira nga ni Luis si Alex, at pinagbawalan na ‘wag mag-post ng ganun.
“’Wag na sana pinu-post mga ganito…salamat po,” sabi ni Luis.
Rumesbak naman si Alex na, “Wag ka na sana magka-internet!”
Naghalakhakan na lang ang mga sumawsaw sa dalawa.
Wala namang masama sa photo ni Alex. ‘Yun n nga lang napansin naming flat chested talaga siya, na nakakabahala dahil posibleng bumaba ang takip sa dibdib kapag gumalaw siya dahil wala ngang makapitan.
Jessy handa nang magpadede
Ilang buwan pa bago manganak si Jessy Mendiola, pero ngayon pa lang ay pinaghahandaan na niya ang kaligtasan ng bata. Ang naging concern ni Jessy na maaaring makasakit o makasugat sa kanyang anak, ay ang kanyang diamond engagement ring.
Dahil sa alalahaning masusugatan ang kanyang anak, inuna ni Jessy na baguhin ang design ng engagement ring nito.
Sa Instagram post niya ng larawan ng singsing, sinabi niyang pina-reset niya ito para maging child friendly.
“Now I won’t have to worry about getting caught or scratching my little one when he/she becomes toddler. In the meantime back to the safe,” sabi ni Jessy.
Hinangaan si Jessy sa paghahanda sa paga-alaga sa anak. Ngayon pa lang ay ramdam na agad na magiging mabuting ina si Jessy, na talagang gagawin ang lahat maprotektahan lang ang ‘baby’ nila ni Luis.
At chika pa ng mga fan, sure sila na pinaghahandaan na rin ni Jessy ang magpadede ng sanggol. Na kahit mahirap para sa iba ay sulit naman sa pakiramdam para sa pagmamahal sa anak.
Pero mensahe pa rin ng mga netizen, itago muna ang singsing habang nagdadalantao.
Pero sa totoo lang, kahanga-hanga ang laki ng bato ng singsing ni Jessy. Parang nagkahahalaga ito nang mahigit P2M.
Arci bawal muna sa laplapan
Muling pinakita ni Arci Munoz ang pagiging astig, true-blooded rock star, sa panibagong itsura niya.
Hindi nagkasya si Arci sa dami ng mga tattoo sa katawan, mga butas sa tenga na sinabitan ng maraming hikaw, pati ba naman sa kanyang labi ay naglagay rin siya ng hikaw.
Naloka ang mga netizen sa itsura ni Arci na may hikaw sa lower lip, na tinawag niyang bling bling.
Wala kaming ideya kung ito ba ay nakasabit lang o nagpabutas talaga ng labi si Arci para malagyan ng hikaw. Pero kung butas nga yon, aba iwas muna sa biglaang halikan si Arci. Masakit kasi `yon kapag sumabit sa dila o labi ng kahalikan niya, ha! Yun ay kung may dyowa siya ngayon.
Hindi na kami magtataka kung madadagdagan pa ang butas sa mukha ni Arci para paglagyan ng mga hikaw, gaya ng kilay at ilong.
Mabuti na lang at maganda ang aktres, kaya aprubado ng mga netizen ang pagpapahikaw ni Arci.
from Abante https://ift.tt/w3L8bBx
via IFTTT
Comments
Post a Comment