Drag queen ka gurl? Pia gayang-gaya si Beyonce

Naubusan na ba ng konsepto ang ‘glam team’ ni Pia Wurtzbach at pati si Beyonce ay ginaya na sa photo shoot?

Sa video ni Pia sa Instagram na kuha sa photo shoot, nalito ang mga netizen kung sino ang napapanood nila, kung si Pia ba o si Beyonce?

Kuhang-kuha ng glam team ni Pia ang look ni Beyonce, sa outfit na police officer hat, glitter black see-through top.

Pati ang mga tingin ni Pia, paghawi ng buhok, lahat ay may anggulo ng singer ng “Single Ladies”. Eh, may background music pa ni Beyonce na “Alien Superstar”.

Kung hindi lang kilalang high-profile beauty queen, celebrity si Pia, mapagkakamalan siyang impersonator ni Beyonce.

Sinadya ang panggagaya ni Pia kay Beyonce, na tila tribute niya sa mahusay na singer. “Queen P does Queen B’s Alien Superstar. Whip Whip” nga ang caption niya.

Nauna na ngang sinabi ni Pia na suportado niya ang “Drag Race” na ngayon ay nasa Pilipinas na. (Rey Pumaloy)

The post Drag queen ka gurl? Pia gayang-gaya si Beyonce first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/K3XZUNB
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada