Sey niyo Kathryn, Anne? Maja Salvador tunay na reyna ng TV5


Ang bongga ni Maja Salvador, na halos lahat na yata ng field ay nalibot na niya sa TV5.
Nakapag-judge na siya sa isang show sa TV5. May series din siyang ginawa.
At heto ngayon, sitcom naman, ang ‘Oh My Korona’ na siya siyempre ang bida, kasama ang mga komedyanteng sina Joey Marquez, Pooh, Kakai Bautista, at marami pang iba.
So, tanggap na ba ni Maja ang titulong ‘Reyna ng TV5?’
Napa-‘huh?’ nga si Maja sa binigay kong titulo sa kanya.
“Well, sa Pilipinas lang naman uso ang titulo. Sa ibang bansa wala nama, di ba? Pero, masaya ako, nirerespeto ko ang mga title na ganiyan, na binibigay sa akin.
“Pero for me, mas importante na mas napapansin ang mga ginagawa ko, na naa-appreciate nila ang lahat ng binibigay sa akin, na nade-deliver ko rin naman ang mga nagagawa ko,” sabi ni Maja.
Kunsabagay, mahirap namang agad-agad tanggapin ang ganun kalaking titulo, di ba? Remember, hindi lang si Maja ang nasa TV5, dahil nandiyan na rin sina Kathryn Benardo, Anne Curtis, Yassi Pressman, at marami pang iba.
Sandro tinangkang gamitin sa kalokohan
Agad-agad nag-release ng statement si Cong. Sandro Marcos, dahil sa ilang grupo na nagtangkang gamitin ang kanyang pangalan, para pagkakitaan.
Kaloka nga na may grupo na nag-imbento na gumawa ng event na pagbayarin ang mga fan, sa katauhan ni Sandro.
Heto nga ang statement ni Cong. Sandro:
“Earlier this year, specifically on March 6, 2022. Sandro Marcos unofficial clamed to have organize a meet and greet event with me, charging 4,500 pesos per person for transportation, hotel ID, and t-shirt. On even date, we denied any involvement of the said event. Please know that I would never approve of anyone charging fees, much more an exorbitant amount for a meet and greet.
“Recently my team learned that fund raising event is again set to be organized in my name. This is to reiterate that Sandor Marcos Unofficial Facebook page is not in anyway way affiliated, associated, authorized, endorsed by, or officially connected to me, or any one from my team.
“I only have one Facebook page, one Instagram account, one Twitter account, one TikTok account, one YouTube channel and official website.
“I appreciate all your support but it will all go to waste if my name will be tainted by irresponsible and unscrupulous individuals or group. Let us be mindful of our actions and ensure that solicitations of any kind from unauthorized groups are not entertained.”
Well…
from Abante https://ift.tt/DroY56G
via IFTTT
Comments
Post a Comment