TikTok Star Sabby, Sophia Rondilla proud retokada

Pinag-uusapan ngayon ng mga netizen at ng mga chismosa nating kapitbahay ang face reveal at new look ng Tiktok Star at kambal na sina Sabby at Sophia Rondilla na mas kilala bilang Marie Twins. Ang kambal ay under ng Mannix Management na pinamumunuan ng business tycoon at ngayo’y social media personality na rin na si Mannix Carancho.

Nakilala ang Marie Twins sa kanilang nakakaaliw na tandem lalo na sa mga videos na kanilang ina-upload online, hindi lang basta kambal sina Sabby at Sophia dahil aside from being siblings they also choose to be bestfriends.

Samantala mga suki as of this time ay may humigi’t kumulang na 8.5 Million followers na sa Tiktok ang kambal kaya naman sino nalang ba ang hindi nakakakilala sa kanila.

Sa kabila naman ng kasikatan alam niyo ba na marami rin pinag aaanan ang dalawa dahil gaya ng iba ay nagsimula rin ang mga ito sa wala at pabarya-barya lamang na kita. Pero nang marating naman nila ang rurok ng tagumpay sa industriya ng social media nanatili naman na humble at very down to earth sina Sabby at Sophia ito ay dahil na rin sa patnubay ng kanilang manager na si Sir Mannix.

Speaking of Sir Mannix malaki ang naging contribution nito sa career ng Marie Twins dahil sa sunod-sunod na projects na ipinagkatiwala sa kanila. Isa na nga dyan ang pagiging endorser at brand ambassador ng nangungunang beauty essential sa bansa ang Prestige International.

Hindi lang yan dahil bukod sa pagiging endorser, live streamer may Youtube channel rin ang dalawa na kung saan ay puro kalokohan at pampa-prank ang content.

Well..Well..Well.. Going back sa new look ng kambal dahil nga trending na pinag-uusapan ngayon sa social media ang kanilang bagong itsura ito ay matapos na sumailalim sa isang operasyon (Ohh no! What is the meaning of this Charrr!) Truelala at walang halong eklabu! nagpaopera nga sina Sabby at Sophia.

Kung ang Mega Manila ay may Dra. Vicky Belo na may titulo na Doctor to the Stars ang Norte naman ay may Dra. Jewel Pagcu na babansagan natin ngayon na Doctor to the TikTok Stars. Isinagawa nga ang rhynoplasty procedure sa kambal sa clinic ni Doc Jewel sa Jewel Aesthetics sa Tarlac City (Doc. Jewel baka naman Charot! Lol!).

Matapos ang ilang linggo na pagpapagaling, ngayon ay ibinalandra na nga online ng Marie Twins ang kanilang bagong look iba-iba naman ang naging reaksyon dito ng mga netizen sa pagpapaopera ng dalawa pero karamihan naman ay natuwa dahil sa sobrang natural at mukhang hindi gawa ang ilong ng kambal kaya naman kudos to Doc Jewel.

Im sure gusto niyo pang makita ang itsura ng kambal. Well alam niyo na ang gagawin bisitahin lamang ang social media accounts ng Marie Twins and tell me your thoughts sa kanilang bagong look.

The post TikTok Star Sabby, Sophia Rondilla proud retokada first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/YlRZBFg
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada