Victorious Colt pakay manilat

MAGTATAPAT sa pista sina Best Regards at Gusto Mucho sa magaganap na Condition Race Merged (10) na ilalarga sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite ngayong araw.
Kilalang matitikas na kabayo sina Best Regards at Gusto Mucho na sasakyan nina jockey IA Aguila at Kelvin Abobo, ayon sa pagkakasunod, sa 1,500-meter race.
Inaasahang pwedeng makasilat kina Best Regards at Gusto Mucho si 2018 3rd leg Triple Crown winner Victorious Colt na sasakyan ni class A rider Onel Cortez.
Ang ibang kalahok sa event na suportado ng Philippine Racing Commission (Philracom) sa pamumuno ni chairman Reli De leon ay sina Shining Vic at The Accountant.
Pakakawalan ang nasabing karera sa race 6 kung saan may pitong races ang inihain ng Manila Jockey Club Inc. (MJCI).
Samantala, tiyak na aabngan din ng mga karerista ang bakbakan ng anim na mahuhusay din na kabaayo sa Philracom Rating Based Handicapping System na ikakasa sa pangatlong karera.
Magtatagisan ng bilis sa 1,300-meter race ay sina Solution, Avenue Shopper, Major Ridge, Fortress, Honey Ryder at Step Bell. (Elech Dawa)
The post Victorious Colt pakay manilat first appeared on Abante.from Abante https://ift.tt/hCSqJUn
via IFTTT
Comments
Post a Comment