Vice Ganda nangabog sa sariling bersyon ng ‘Moon’

Saan ka punta? Sa mga mahilig sa okrayan, palaging sagot ay “to the moon”. Buhat ‘yan sa sikat na kantang “Moon” ni Nik Makino featuring Flow G.
Pero may sariling atake ang Unkabogable Star na si Vice Ganda sa naturang hit song.
Nagkaroon kasi ng biglaang rap battle sina Vice, Vhong Navarro, Ogie Alcasid at Kim Chiu sa “It’s Showtime”.
Dito ay ipinarinig ni Vice ang sariling bersyon niya ng “Moon”
“San ka punta? To the moon. Road trip. Broom-broom. Ganda ko’y boom-boom. Kahit pa i-zoom-zoom!” pagkanta pa ni Vice.
Napa-palakpak naman ang audience sa pagra-rap ni Vice. Ang bilis talaga nitong mag-isip!
Gandang-ganda nga sa sarili ang komedyante. At hindi siya takot kahit pa i-zoom ang camera sa kanyang mukha para makita if makinis ba talaga ito.
Kaya nga patay na patay sa kanya si Ion Perez.
May 6.3 million views na sa YouTube ang “Moon” ni Nik mula nang i-upload nitong Marso 2022.
Wala pang official music video ang naturang kanta kaya marami ang nag-aabang dito. (Batuts Lopez)
The post Vice Ganda nangabog sa sariling bersyon ng ‘Moon’ first appeared on Abante.from Abante https://ift.tt/olE0sPw
via IFTTT
Comments
Post a Comment