Yaya Dub burado na: Maine markado na bilang ‘Hamog Queen’


Sobrang trending ang episode ng Eat Bulaga (Sabado) dahil kay Maine Mendoza, na nagwagi ngang ‘Binibining Barangay Hamog 2022’, ha!
Ang dami ngang naaaliw sa hamog serye nina Maine, Maja Salvador, Miles Ocampo, Ryzza Mae Dizon, na kung saan ay para nga silang mga batang kalye, na nanlilimahid (kunyari lang, pero ang gaganda pa rin nila).
At Sabado nga ginanap ang pageant, na kung saan ay panalong-panalo ang sagot ni Menggamog (karakter ni Maine).
“Lahat po kasi kami may puso talaga!” chika ni Maine sa pa-jolog na tono.
“Teka lang, sumasagot pa!” sigaw ni Maine sa mga nagpapalakpakan sa paligid.
“Hindi lang siya basta-basta puso, kundi malaki. Mas malaki pa doon! Naghahangad po kami ng pagmamahal at saka ng magandang kinabukasan para sa mga kabataan. At world peace!” sabi pa ni Menggamog, na jolog na jolog talaga.
Well, panalo nga ang bagong karakter ni Maine, at burado na talaga si yaya Dub.
***s
Carlo, Trina amoy balikan
Daming natuwa, kinilig, na makitang magkasama uli sina Carlo Aquino, Trina Candaza, sa birthday party ng baby nila. Ang dami ngang nag-like sa photo na pinost ng ‘Nice Print Photo’ na magkasama at buo sila.
Heto nga ang komento ng mga faney:
“Sana maging okey sila. Pero, baka may someone na ‘yung girl.”
“Beautiful family. Sana i-try nilang buuiin uli ang pamilya nila. Para kay Mithi!”
“Bagay na bagay sina Carlo at Trina, sana magkaayos sila.”
“Co-parenting na lang ba talaga sina Trina at Carlo?”
“It’s never too late to start again.”
Anyway, kung malabo pa man sa ngayon, at para lang talaga sa baby nila kaya sila nagsama sa birthday party, okey na rin sa mga fan, na kahit papaano ay nakikita na si Carlo sa IG story ni Trina.
Unlike noon na zero talaga.
Well, ano’t ano man, ang ilusyon nga ng mga fan sa mga photo na naglabasan ay nangangamoy ‘balikan’ ang dalawa.
from Abante https://ift.tt/nbJRZF9
via IFTTT
Comments
Post a Comment