Popular posts from this blog
Shastaloo kakaripas sa Challenge Race
KABILANG si Shastaloo sa anim na kabayong susubok tumakbo sa pinakamahabang distansiya sa history ng karera na gaganapin sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.  Pakakawalan ngayong araw ang Imported/Local Challenge Race na may habang 2,400 metro kung saan ang nasabing event ay pagpupugay kay Henry Cojuangco.  Makakatagisan ng bilis ni Shastaloo na rerendahan ni star jockey Jeffril Zarate sina Time For Glory, magkakamping American Factor at Tony’s Love at magka-kuwadrang Starinmydreams at Downsideprotection.  May P1M guaranteed prize ang ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta, puntirya ng kuwadra ng anak nina Algorithms at Water Park na si Shastaloo na masilo ang P600,000 permyo.  Maliban sa nabanggit na stakes race, ang ibang tampok na karera na inihain ng Manila Jockey Club Inc. (MJCI) ay ang 2022 Philracom Lakambini Stakes Race at Road To Juvenile Stakes Race.  Suportado ng Philippine Racing Commission (Philracom) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon ang 13 karera...
PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada
Maihahalintulad na rin si Andrew E. kay President Bongbong Marcos, at Vice-President Sara Duterte, at puwedeng-puwer rin lalo na kay Pambansang Kamao Manny Pacquiao.  Ang dating ngayon ni Andrew ay parang Hollywood A-list star, na sa tuwing dadalo sa mga event ay pinagkakaguluhan talaga.  Sa ginawang show ni Andrew sa isang close venue sa Calgary, Canada, makikitang hindi lang dalawa ang entourage niya, kundi isang batalyon.  Masisilip sa video post sa Instagram ang paghahanda ni Andrew para sa pagpasok sa venue.  Nang maipakilala na siya ng host, pagpasok sa backstage ay isa-isang sumunod ang entourage niya na nakasuot ng white t-shirts uniform. At ang iba ay naka-jacket na may Philippine flag design.  Parang nakita namin ang eksenang ito ni Andrew kina PBBM, VP Sara, at Pacman, na palaging napapaligiran ng mga bodyguard.  Well, super sikat na nga ulit si Andrew ngayon, mula nang mag-viral ang mga performance niya sa kampanya ni PBBM noon. Mahirap na nga namang dumugin siya, lalo na s...


Comments
Post a Comment