Shastaloo kakaripas sa Challenge Race
KABILANG si Shastaloo sa anim na kabayong susubok tumakbo sa pinakamahabang distansiya sa history ng karera na gaganapin sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.  Pakakawalan ngayong araw ang Imported/Local Challenge Race na may habang 2,400 metro kung saan ang nasabing event ay pagpupugay kay Henry Cojuangco.  Makakatagisan ng bilis ni Shastaloo na rerendahan ni star jockey Jeffril Zarate sina Time For Glory, magkakamping American Factor at Tony’s Love at magka-kuwadrang Starinmydreams at Downsideprotection.  May P1M guaranteed prize ang ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta, puntirya ng kuwadra ng anak nina Algorithms at Water Park na si Shastaloo na masilo ang P600,000 permyo.  Maliban sa nabanggit na stakes race, ang ibang tampok na karera na inihain ng Manila Jockey Club Inc. (MJCI) ay ang 2022 Philracom Lakambini Stakes Race at Road To Juvenile Stakes Race.  Suportado ng Philippine Racing Commission (Philracom) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon ang 13 karera...

Comments
Post a Comment