PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada
Maihahalintulad na rin si Andrew E. kay President Bongbong Marcos, at Vice-President Sara Duterte, at puwedeng-puwer rin lalo na kay Pambansang Kamao Manny Pacquiao.
Ang dating ngayon ni Andrew ay parang Hollywood A-list star, na sa tuwing dadalo sa mga event ay pinagkakaguluhan talaga.
Sa ginawang show ni Andrew sa isang close venue sa Calgary, Canada, makikitang hindi lang dalawa ang entourage niya, kundi isang batalyon.
Masisilip sa video post sa Instagram ang paghahanda ni Andrew para sa pagpasok sa venue.
Nang maipakilala na siya ng host, pagpasok sa backstage ay isa-isang sumunod ang entourage niya na nakasuot ng white t-shirts uniform. At ang iba ay naka-jacket na may Philippine flag design.
Parang nakita namin ang eksenang ito ni Andrew kina PBBM, VP Sara, at Pacman, na palaging napapaligiran ng mga bodyguard.
Well, super sikat na nga ulit si Andrew ngayon, mula nang mag-viral ang mga performance niya sa kampanya ni PBBM noon. Mahirap na nga namang dumugin siya, lalo na sa abroad.
Well, posibleng ang mga naka-white t-shirs ay mula sa production ng show sa Canada, at hindi bitbit ni Andrew mula Pilipinas. Isang malaking “no” ito sa producer, kung hindi naman band member ang kasama ng artist. (Rey Pumaloy)
from Abante https://ift.tt/V7P4Uyx
via IFTTT
Comments
Post a Comment