2YO Maiden Race lalarga sa SLLP

Maganda ang pambungad na karera sa susunod na buwan dahil makikilatis ang mga batang kabayo sa pangunguna ng magka-kuwadrang Love Radio at Noon Charm sa 2022 Philracom 2-Year-Old Maiden Stakes Race.

Ilalarga ang nasabing karera sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite sa Agosto 7, may distansiya itong 1,400 metro.

Ang ibang kabayong inaasahang lalahok sa karerang nakalaan ang P1M guaranteed prize na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta ay sina Jaguar, Malibu Bell, Secretary at Sky Magic.

Hahamigin ng owner ng mananalong kabayo ang P600,000, sisikwatin ng pangalawa ang P225,000 habang ibubulsa ng third at fourth ang P125,000 at P50,000, ayon sa pagkakasunod.

Rerendahan nina John Alvin Guce at John Paul Guce sina Love Radio at Noon Charm sa event na suportado ng Philippine Racing Commission sa pamumuno ni chairman Reli De Leon. (Elech Dawa)

The post 2YO Maiden Race lalarga sa SLLP first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/HqGd8J9
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada