61-anyos mamshie nagtapos with honors sa senior high

Dahil sa kagustuhan na makapagtapos pa rin ng pag-aaral, nilampasan ng 61-anyos na si Gloria Delos Santos ang lahat ng hamon para makapagtapos sa senior high school nang may karangalan.

Ipinagmamalaki ng kanyang mga guro sa Carlos L. Albert High School sa Quezon City, ang naging tagumpay ni Delos Santos na isang ABM student sa kanilang paaralan.

Kuwento ng isa sa kanyang naging adviser na si Jophel Gatmaitan, unang nagtapos sa Alternative Learning System si Delos Santos at nagpatuloy ng kanyang pag-aaral para sa kanyang pangarap na magtayo ng sarili niyang negosyo.

“Lubos kong ikinagagalak bilang kaniyang guro at ng kaniyang mga kamag-aral, mga kaibigan, mga kapwa ko guro, administrasyon at ng buong paaralan, higit sa lahat ng kaniyang pamilya, mga anak at apo ang tagumpay at natatanging kwentong ito,” bahagi ng Facebook post ni Gatmaitan.

Sa panayam ng Abante kay Gatmaitan, nabatid na 19-anyos pa lang umano nang magdesisyon si Delos Santos na magpakasal. Ngayon, plano naman niya ang kumuha ng kursong may kinalaman sa culinary arts para sa pangarap niya na maitayo ang pangarap niyang food business.

Bukod sa pagiging masikap, marunong at masarap umanong magluto si Delos Santos na tinatawag nila bilang Nanay Gloria.

“Nawa’y ang kwento sa likod ng kaniyang mga pagsisikap, paghihirap at mga pangarap ay magsilbing motibasyon at inspirasyon ng iba tungo sa pagkamit ng inaasam na kaligayahan at tagumpay,” sabi pa ni Gatmaitan. (Angelique Fiedalan)

The post 61-anyos mamshie nagtapos with honors sa senior high first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/UoxN7MV
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada