Anne, Cat, Heart nabulabog: Janno ginulantang ng lindol sa La Union

May mga nagulat at nagtatanong tuloy kay Heart Evangelista kung tungkol saan daw ang kanyang tweet na, “Lord” kasunod ang sad emoji.
May mga netizens na mabilis nag-comment sa tweet niya at nagbigay ng suporta nila. Sey ng isang netizen, “I don’t know what is is Ms. Heart, laban lang. We’re here at your back. We love you. Sending hugs.”
“Hugs. Hope you’re okay idol.”
Pero marami rin naman ang nag-assume agad na posibleng tungkol sa lindol na naganap ng umaga ng Miyerkules kunsaan, ang epicenter ay sa Ilocos Sur na umabot ng mahigit 7 ang intensity at maraming old houses, old churches ang nag-collapsed.
Hindi lang si Heart ang ang nag-tweet dahil sa lindol.
Ilan din sa mga celebrity ang nag-tweet agad na halos lahat ay nagulat dahil sa lakas at tagal.
Sey ni Catriona Gray, “Lakas ng lindol, stay safe everyone.”
Gayundin si Anne Curtis. “Ang haba ng earthquake!!!!!! Hope everyone’s safe.”
Si Julie Anne San Jose naman, “Lakas ng lindol. Stay safe everyone!
“Ang lakas ng lindol… ingat po tayo,” ang sabi ni Sanya Lopez.
Sey naman ni Kristoffer Martin, “Open agad ako ng Twitter kala ko nahihilo lang ako. Lumilindol pala talaga.”
Si Janno Gibbs naman, nasa shooting ng movie nila sa La Union at dahil malapit sa epicenter, talagang ramdam na ramdam daw nila.
“Here shooting in La Union. We felt the 7.1 magnitude earthquake. Hard. We’re near the epicenter, Vigan.” (Rose Garcia)
from Abante https://ift.tt/iN4ZMoO
via IFTTT
Comments
Post a Comment