Banchero, Magic alpas

WILD finish ang laro ng Orlando at Sacramento sa 17th National Basketball Association 2022 Summer League sa Las Vegas nitong Sabado.

Nadesisyunan lang ang 94-92 panalo ng Magic sa sudden-death overtime nang subuan ni 2022 top pick Paolo Banchero si Emanuel Terry sa ilalim.

Abante ng 18 ang Orlando sa final 5 minutes ng regulation pero tinapos ng Kings ang laro sa 23-5 run, huli ang dalawang 3s sa final 5.1 seconds para makapuwersa ng OT.

Sa unang 2-minute extension, nahulog sa net ang pabandang 3-pointer ni Keon Ellis tungo sa 92-89 Sacramento lead. Pero na-foul nila si Devin Cannady 6.2 ticks na lang, pasok ang tatlong free throws para muling itabla bago kumabyos ang bato ni Ellis sa final second.

Napuwersa ang sudden-death second OT, ang unang iiskor ang mananalo.

Unang natawagan si Banchero ng foul na nagbigay sana ng free throws sa Kings pero binaligtad sa review. Balik ang bola sa Magic, natagpuan ni Banchero sa ilalim si Terry para sa winner. (Vladi Eduarte)

The post Banchero, Magic alpas first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/uzojgkh
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada