Bataan aakyat sa standings

MASUSUBOK ang lakas ng Bataan sa kanilang pagharap kontra Bacolod ngayong alas-9 ng gabi sa pagpapatuloy ng OKbet-MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League). 2022 Regular Season gamit ang homecourt advantage sa Orion Sports Complex sa Bataan.
Galing sa isang kumbinsidong panalo ang Bataan Risers Camaya Coast nang malusutan sa double overtime ang Valenzuela, 99-96, noong Hulyo 2 para maitala ang 3-1 rekord, gaayunman ay butas ng karayom ang lulusutan ng Bataan dahil mayroong may 5-1 win- loss kartada ang Bacolod Bingo Plus.
Sasandal ang Risers sa kanilang mga pambato na sina Arvie Bringas, Darwin James Castro at Gio Espuelas.
Sa ibang laro, kakaharapin ng Rizal Golden Coolers ang Pasig ganap na alas-5 ng hapon, habang ang Manila at Makati ay magpapang-abot ganap na alas-7 ng gabi.
Kumpiyansa ang tropa ng Rizal na sumabak ngayong gabi galing sa tatlong sunod na panalo at may rekord na 3-2, ang Manila sa kabilang banda, ay buhat din sa panalo kontra Muntinlupa 103-74, at tangan ang 2-5 marka. (Annie Abad)
from Abante https://ift.tt/YE794fA
via IFTTT
Comments
Post a Comment