Big Hook liyamado sa unang takbuhan

MAKIKILATIS ang husay ni Big Hook pagsalang nito sa Philracom Rating Based Handicapping System na ilalarga ngayong araw sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Ayon sa komento ng mga karerista sa social media, tiyak na liyamado sa bentahan si Big Hook na aarangkada sa unang karera.

Rerendahan ni Jomer Estorque, makakatagisan ng bilis ni Big Hook sina Don Damiano, Happy Kid, Jade’s Treasure, Arrows Up at magkakamping Signature Move at Heirlom.

“Tingin ko patok na si Big Hook diyan, puwede na i-single ‘yan sa winner take all (WTA),” saad ni Jervy Sanchez, veteran karerista.

Nakalaan ang P25,000 added prize na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta sa 1,300-meter race.

Hahamigin din ng owner ng mananalong kabayo ang karagdagang premyo na P5,000 sa event na suportado ng Philippine Racing Commission (Philracom) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon. (Elech Dawa)  

The post Big Hook liyamado sa unang takbuhan first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/GDkZbE8
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada