Dagdag-Alas cancer free na

IDINEKLARANG wala nang cancer si Philippine Basketball Association courtside reporter Selina Dagdag-Alas matapos labanan ang sakit sa loob ng tatlong buwan.

Ibinahagi ng misis ng PBA veteran na si Kevin Louie Alas sa Instagram Linggo ang magandang balita, kung paano nakialam ang mga himala sa paggaling ng asawa.

“Cancer free. Christ full,” bulalas ni Dagdag-Alas sa kanyang post. “Sa unang pagkakataon na bumalik sa normal ang BHCG-serum test ko, gumugol ako ng unang oras sa pag-iyak, pagsamba, pagpupuri, at pasasalamat sa Diyos. Halos hindi ako makapaniwala.”

Hinirit pa ni Selina na nagsimulang sumayaw si Kevin pagkatapos nilang magdasal, na ipinagdiriwang ang matagumpay na personal na laban ng kanyang asawa.

Noong nakaraang Abril, na-diagnose si Dagdag-Alas na may gestational trophoblastic neoplasia, isang bihirang uri ng cancer. (Lito Oredo)

The post Dagdag-Alas cancer free na first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/HM8w4XC
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada