‘Daks ka boi’ ‘Bukol’ ni Carlo pinagpiyestahan sa Instagram

Binulabog ni Carlo Aquino ang Instagram dahil sa ‘pabukol’ post niya.
Nag-post nga ang dating child actor ng photo niya na nakatingin sa salamin, suot ang boxer briefs, at yes, lantad na lantad ang kanyang bukol.
“Leave the door open!” ang simpleng caption ni Carlo.
At sangkatutak na ‘daks ka boi’ nga ang reaksiyon na mababasa mo.
Siyempre, ang iba ay nagsabing hindi naman talaga sila marupok, pero dahil kay Carlo, natuto silang mag-zoom ng Instagram photo.
At kahit ang mga artista niya na sina Agot Isidro, Kyo Quijano, Pepita Curtis, nagpakawala ng reaksiyon.
“Hooooy!” tili ni Agot.
At hindi rin nagdalawang isip ang mga kapwa niya artista tulad nina Paul Jake Castillo, Albie Casino, Meg Imperial, na i-like ang photo na `yon. Hindi langa ko sure kung nag-zoom din sila, para makita ang pinagmamalaking ‘abs’ ni Carlo. Hehehehe!
Anyway, ang dami ngang nagsabi na nagkasala talaga sila dahil kay Carlo.
Tulad ni iambebehong na nagsabing, “Hanubeh! Yeng tetee! Hindi ako magzo-zoom pero marupok ako.”
Sabi naman ni heartmarie7, “Ang mag-zoom minus 1000 sa langit.”
Hinikayat naman ni iamannellah ang mga kaibigan na, “@lhesgrace @catilyn1995 free to zoom.”
Pero chika ni mr_rvrms, “@shielwinngrace @aileen.salazar.98 ang mag-zoom daw minus 37 sa langit.”
Salazar Aileen (@aileen.salazar.98) • Instagram photos and videos
75 Followers, 55 Following, 30 Posts – See Instagram photos and videos from Salazar Aileen (@aileen.salazar.98)
Kaloka, di ba? Ibang-iba na nga si Carlo ngayon.
Pero well, may bukol naman kasi talaga siya eh. At tila nanghihikayat na pasukin siya sa banyo, at alam mo na ang puwedeng mangyari. Hahahaha! (Dondon Sermino)
from Abante https://ift.tt/wsco8Zn
via IFTTT
Comments
Post a Comment