Derrick, Ruru lampaso: Alden katakam-takam ang ‘karug’

Totoo nga na pinaglaway na naman ni Alden Richards ang kanyang mga tagahanga, at nilampaso talaga ang mga kaibigan niyang Kapuso hunk.
Naloka, nabaliw, naglaway ang mga tagahanga sa Instagram post ni Alden ng kanyang topless photo. Maliwanag pa sa sikat ng araw ang pormadong pigura ng aktor, kung saan nagkalat ang mga pandesal sa kanyang tiyan.
Mas naging well defined ang mga muscle ni Alden dahil sa pagpayat niya. Ang tawag ng mga gym addict sa ganung porma ng katawan ay “batak” na ang ibig sabihin ay binugbog, hinulma nang hustosa pagwu-work out, diet, disiplina.
Mistulang isang GQ international model ang Kapuso actor sa porma ng katawan niya, na kahit sina Derrick Monasterio, Ruru Madrid ay lampaso sa kanya.
Nakadagdag pa sa libog kay Alden ng mga follower niya ay ang ‘karug’ na buhok sa ilalim ng kanyang pusod na litaw sa larawan. Parang ang sarap nga raw amuyin ng ‘karug’ ni Alden. (Rey Pumaloy)
The post Derrick, Ruru lampaso: Alden katakam-takam ang ‘karug’ first appeared on Abante.from Abante https://ift.tt/k1yRK5d
via IFTTT
Comments
Post a Comment