Hiling sa ending: Coco hiniritang ibalik si Julia sa Ang Probinsyano

‘Yun na nga, dumating na ang oras, na ang ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ ay tuluyan nang magtatapos. Tatlong linggo na lang ang dapat hintayin, at tuluyan nan gang magsasara ang pahina ng libro ng teleseryeng ito na umabot ng pitong taon.

Pero, pangako ni Coco Martin, matapos man ang kuwento ni Cardo Dalisay, hindi matatapos ang pagmamahal niya sa mga supporter.

Kaloka lang na sala sa lamig, sala sa init talaga ang mga fan. Noong walang kasiguraduhan kung kailan matatapos ang ‘Ang Probinsyano’ panay ang chika nila na bakit hindi matapos-tapos ang serye, bakit hindi mamatay-matay si Cardo?

At ngayong inanunsiyo na nga ni Cardo ang ‘Pambansang Pagtatapos’ nakaramdam naman sila ng lungkot, na ang iba ay hindi pa matanggap-tanggap, ha!

Sabi ni pinoy_ako1207, “Naging matamlay bigla ang aking Tatay at Nanay dahil 3 weeks na lang.”

Hirit ni lucy_diva_, “Sa loob ng 7 years mula day one sinubaybayan ko ang FPJ, and I feel sad dahil magwawakas na! Watching from Canada. Maraming salamat Coco Martin sa iyong natutulongan na mga artista na nawalan na! Sana bago matapos ay ibalik mo si Mara para maganda ang ending at magkita sila ng kanyang mga magulang na sina Oscar (Rowell Santiago) at Aurora (Sharon Cuneta).

Yes, may mga nagtatanong nga kung ano na ang nangyari sa kay Julia Montes, na bigla na lang daw nawala sa serye?

Chika nga ni buddzm8, “Ibalik niyo si Mara (Julia), or at least explain niyo kung bakit siya nawala ng ganun-ganun na lang. Deserve ng mga manonood niyo na malaman ang totoo.”

Sigaw rin ni ch_tudz_21, “Ibalik si Mara!”

Ganun din ang sabi ni maria_ursua, “Matatapos na si Cardo Dalisay, pero si Mara hindi na talaga binalik!”

Marjorie Cagurungan (@maria_ursua) • Instagram photos and videos

Well, pinagpapaliwanag nga nila si Coco kung bakit biglang nawala si Julia sa serye. At suhestiyon nila na ibalik ito sa huling linggo, at makitang kinasal ang mga karakter nina Julia at Coco sa dulo.

Bongga! (Dondon Sermino)

The post Hiling sa ending: Coco hiniritang ibalik si Julia sa Ang Probinsyano first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/1i6K2wH
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada