Ivana nagulat sa suso ng baka

Nakakaaliw ang karanasan ni Ivana Alawi nang gatasan niya ang isang baka sa set ng bagong serye ng ABS-CBN na “A Family Affair.”
Naglabas ang Star Creatives ng mga behind-the-scene video kung saan ginagatasan nina Cherry Red (Ivana) at Paco (Gerald Anderson) ang baka sa rancho.
Sa isang take, sinubukan ni Ivana na paandarin ang instrumentong pampagatas.
Pagkahatak niya sa suso ng hayop ay biglang gumalaw ito at nagpatago si Ivana sa likod ni Gerald.
Natawa si Gerald pati na rin ang ibang crew sa gulat ng aktres. Pero kahit ganon, mukhang sanay na sanay na sa rancho si Ivana kapag napapanood siya sa “A Family Affair.”
Sila pala kasi mismo ay sinusubukan at ginagawa ang mga trabaho sa rancho na ipinapakita sa mga eksena.
Natural din ang dating ng buhay cowboy kay Gerald. Inilahad nga ng aktor noon sa isang mediacon na pinaghandaan nila ito, “Mayroon kaming scenes na nire-wrestling namin yung baka, so nag training kami para magawa namin ‘yan kasi ‘di biro ‘yung ginagawa ng mga totoong cowboys.”
Dagdag pa roon, sa Masbate o ang “rodeo capital” ng Pilipinas mismo nagte-taping ang “A Family Affair” para mapakita ang tunay na kultura ng mga cowboy sa rancho. (Dondon Sermino)
from Abante https://ift.tt/gpCjIPh
via IFTTT
Comments
Post a Comment