Iwas-pusoy

MAGANDA araw mga ka-depensa at mga ka-Abante.

Katatapos lang ng SONA ng ating bagong pangulo ng Pilipinas kahapon na si BBM, sana matupad kahit 60 percent lang ang mga pangako sa bayan at para naman maisakatuparan ang 30-40 percent, kailangan ang tulong ng sambayanang Pilipino.

***

Maihahalintulad ang sitwasyon ng Gilas Pilipinas ngayon sa takbo ng bansa. Kailangan magsimula sa namumuno na siyang presidente at pagdating naman sa basketball naman eh ang head cpach na siyang kapitan de bola ng koponan.

Kailangan outstanding favorite siya ng SBP at taumbayan. Grabe dapat ang kredibilidad ng coach at mayroon siyang magandang vision at mission para sa isang team.

Kailangan ng suporta sa lahat ng bumubuo ng Gilas Pilipina, pero sa sitwasyon ngayon ni Pareng Coach Chot Reyes, mahirap nang ibalik ang amor ng netizens at millenials.

Malupit ang mga batikos, kung babasahin mo ang spcial media ngayon 95 percent hinihingi ang kanyang resignation. Kung minsan pa eh ginagawang katatawanan na lang ang sitwasyon ng Gilas ng mga tao dahil sa ayaw bumitiw ni Pareng Chot sa kanyang trabaho bilang head coach. Nakakawala ng respeto bilang isang coach dahil sa batikos na inaabot.

Kung minsan iisipin mo na worth it pa bang ilaban ang Gilas Pilipinas kung ikaw ang head coach? Wala nang nakikitang mabuting sasabihin ang iyong mga kababayan? Whether manalo man o matalo galit sila sa iyo.

Ang pakiramdam, papasok ka pa lang sa trabaho eh ang dami mo nang kalaban. ‘Di ba dapat kung magtatrabaho ka eh doon ka dapat kung saan ka na-appreciate ang trabaho mo o kung saan ka welcome? Sa sitwasyon ni Pareng Chot ngayon eh malabo na talaga, sitwasyon na lang ang magiging judge dito o panahon.

Wala na akong makitang pogi points mga ka-depensa natin para ituloy pa ni Pareng Chot ang coaching sa Gilas.

Ang hula na lang ng ating mga millenial at netizen ay kaya ayaw pakawalan ni Pareng Chot ang coaching sa Gilas eh mukhang tinamaan ang negosyo noong pandemic, mukhang naapektuhan din ang ilang salon o parlor ni Pareng Chot na (Toni and Guy), 2 years din hindi kumita, may tendency na maghabol sa gastos si Pareng Chot niyan, it will take another 3 years para bumangon ang mga negosyo sa Pilipinas.

Hindi lang si Pareng Chot ang naapektuhan, lahat ng negosyo sa Pilipinas, ‘ika nga naghahabol sa pagkalugi si Pareng Chot.

At sa SBP naman, itigil na rin nila ang panglilinlang na si Jordan Clarkson eh lalaro sa Pilipinas, iniiwas lang ng SBP ang usapan. Una si Clarkson eh buwakaw o buwaya. Ang tanong eh papasa ba siya? Saka ginto ang talent fee ni JC ha! Hindi lalaro ng libre sa atin ‘yan.

Kung husay at husay na kay JC ‘yan. Hindi nga lang team player, may pagka-hero ball ang dating niya, “wannabe Kobe” kadalasan.

At sa panghuli, ang puna ng ating mga kababayan eh maayos pa ba magdesisyon ang mga namumuno sa SBP? May nagrerekomenda na i-abolish na o palitan na ang mga namumuno diyan.. Baon na baon na masyado sa utang na loob sa MVP Group. Wala nang boses ang mga tander ng SBP.

Hitik na hitik o hinog na para bumalasa tayo sa mga opisyales na nagtatabaan lang diyan sa SBP Group.

The post Iwas-pusoy first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/DmMSFQ5
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada