J.Lo, Ben kasal na

Kinasal na sina Jennifer Lopez at Ben Affleck nitong nakaraang weekend sa Las Vegas.

July 16 nang ikasal sina J.Lo at Ben ayon sa marriage license na naka-file sa Clark County, Nevada. Officially ay “Jennifer Affleck” na ang singer sa naturang marriage license.

Taong 2002 noong magkaroon ng relasyon ang dalawa pagkatapos nilang gawin ang pelikulang Gigli. Tinawag sila ng media “BenNifer” at naging highly publicized ang relasyon nila.

Naka-set na noon ang BenNifer wedding sa isang privately-owned island noong 2003, pero hindi ito natuloy dahil bigla itong kumalat sa media. Bago pa man sila makapagplano ng bagong wedding date, naghiwalay sila noong 2004.

After 18 years ay muli silang pinagtagpo pagkatapos na makipaghiwalay si Jennifer sa kanyang fiance na si Alex Rodriguez noong April 2021 at si Ben naman ay nakipaghiwalay sa girlfriend na si Ana de Armas noong January 2021.

Pagkatapos ng ilang buwan na nagde-date, na-engage ang BenNifer noong April 2022 at ngayon ay kasal na sila.

Ito ang ikaapat na marriage ni Jennifer. Una siyang kinasal sa aktor na si Ojani Noa noong 1997. Sumunod ay sa dancer na si Cris Judd noong 2001 at ang huli ay sa singer na si Marc Anthony noong 2004 kung kanino meron siyang twins na sina Max and Emme (14 years old).

Second marriage naman ito ni Ben na unang kinasal sa aktres na si Jennifer Garner at may tatlo silang anak na sina Violet (16), Seraphina (13) and Samuel (10).

Kakalipat lang last month nina Jennifer at Ben sa bagong biling mansion sa Beverly Hills. (Ruel Mendoza)

The post J.Lo, Ben kasal na first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/xuITa8o
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada