Judge, Yankees binokya Pirates

PINULBOS ng New York Yankees ang Pittsburgh Pirates 16-0 sa likod ng grand slam nina Aaron Judge at Aaron Hicks sa 147th Major League Baseball 2022 regular season game sa PNC Park sa Pittsburgh Miyerkoles ng gabi.
Pinalipad ni Judge ang laser hit patungo sa mga upuan sa left field sa eighth inning. Nilista ng slugger ang MLB-leading 30th homer niya ngayong season.
Ang outfielder na si Judge lang din ang nag-iisang Yankees player na naka-30 homers bago ang All-Star break, dalawang beses na niya itong ginagawa.
Isang inning ang nakalipas, si Hicks naman ang humataw ng isa pang slam.
Anim na home run ang kinana ng Yanks tungo sa major league-leading ding 139.
Naka-homer din sina Giancarlo Stanton, Josh Donaldson, Joey Gallo at Kyle Higashioka para bak-apan ang matikas na pukol ni Luis Severino. (Vladi Eduarte)
The post Judge, Yankees binokya Pirates first appeared on Abante.from Abante https://ift.tt/PvGo9fm
via IFTTT
Comments
Post a Comment