Kahit 40 na: Zanjoe ‘mabenta’ sa mga beki

“Pag kwarenta, mabenta!” Yan ang tagline ni Zanjoe Marudo nang mag-celebrate ito ng kanyang 40th birthday.
“Hanep!” sey na lang ni Zanjoe sa napakabongga at napakasayang salo-salo sa The Vineyard at Tanauan. In-upload nga niya ang video nito sa kanyang Instagram account.
Dinumog nga ng mga kilalang personalidad sa industriya ang kanyang “life begins” celebration. Dumalo sina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Vhong Navarro, Ryan Bang, Angelica Panganiban, Ria Atayde, Jayson Gainza, Kean Cipriano, LA Tenorio at iba pa. May fireworks display pa nga, kabog!
Anyway, malayo na nga ang narating ni Zanjoe mula nang pumasok sa showbiz industry noong 2006. At kahit kwarenta na nga siya, hindi pa rin maikakaila na isa pa rin siya sa mga mabentang matinee idol.
Pero, kelan kaya siya mag-aasawa?
Pero ang alam ko, kahit 40 years old na si Zanjoe, ang dami pa ring beki ang natatakam sa kanya. Eh kasi nga, makisig, guwapo pa rin, kaya hinahabol talaga siya ng mga beki, at nanonood talaga ng mga proyekto niya. (Batuts Lopez)
from Abante https://ift.tt/bkwMemN
via IFTTT
Comments
Post a Comment