Karla nagutom, napagod: Lucy, Juliana agaw pansin ang ganda sa SONA


Sa live coverage namin sa katatapos lang na unang SONA ni Pangulong Bongbong Marcos para sa Abante TeleTabloid, hindi naging madali sa buong team at sa mga dumalo ang kaganapan.
Dahil sa banta ng Covid-19, lahat ay dumaan sa health declaration RT- PCR test upang matiyak ang safety ng lahat. Kahit ang mga sikat, influential showbiz, political personality ay isa-isang sumalang sa mapanuring staff para kunin ang mga health clearance documents.
Nagdusa rin sa matagal na paghihintay ang lahat matapos ang event. Dahil walang signal at pinatay ang network connection, naghanapan ang mga public servant ng kani-kanilang mga driver, back-up para sunduin sila sa harap ng building.
Gutom na gutom naman si Karla Estrada dahil hindi siya kumain. Gusto na niyang umupo sa sahig kahit naka-gown dahil kumirot na ang mga paa sa suot na high heels.
Nakasalubong namin si Bianca Manalo kasama ang partner na si Sen. Win Gatchalian. Mukhang pagod na ang aktres at hindi nakangiti sa paglalakad.
Masaya naman ang mood ng pamilya ni Ormoc Congressman Richard Gomez na pinaunlakan ang halos lahat ng media sa interview. Kasama ang asawang si Mayor Lucy Torres at anak na si Juliana.
Press Sec. Trixie Angeles agaw pansin ang boobey
Hindi namin nakita si Heart Evangelista dahil sa ibang wing siya dumaan kasama ang asawang si Sen. Chiz Escudero. Pero usap-usapan ng mga media ang kagandahan niya, at kapayatan.
Sa usaping fashion bongga para sa akin ang mga suot na Barong nina Arjo, Richard, Mayor Javi Benitez, Sen. Mark Villar.
Simple lang ang kina Sen. Raffy Tulfo, Benhur Abalos.
Sa mga babae, as usual, head-turner ang mag-inang Lucy at Juliana. Ang ganda rin ng gown ng misis ni Sen. Mark Villar. Pang beauty queen ang total look ng misis ni Gibo Teodoro. Pang-Miss Universe pa rin ang gown ni Rachel Peters na asawa ni Cong Migz Villafuerte.
Ang pinaka-bongga sa amin ay si Press Secretary Atty. Trixie Angeles sa Filipiniana-Japanese design gown. Naloka siya nang pansinin naming ‘biniyayaan’ siya ng malaking dibdib.
Kahit may design sa harap, nakaluwa pa rin ang cleavage ng Malacanang Spokesperson.
Sue tutulong sa mga proyekto ni Mayor Javi
Mas magiging madalas naman si Sue Ramirez sa Victoria City, Negros Occidental, ayon sa boyfriend niyang si Mayor Javi Benitez.
Ayon sa panayam namin kay Javi, ay mga humanitarian project daw na gustong simulan at gawin si Sue sa kanyang bayan.
Nagboluntaryo raw si Sue na makibahagi, makatulong sa mga residente ng Victoria. Pero hindi pa raw papunta sa kasalan ang kanilang relasyon.
Naaliw si Javi sa mga nagsasabing “first lady” na niya si Sue. Malapit daw si Sue sa mga kababayan niya.
Long Distance kung tawagin ni Javi ang estado nila ni Sue. Pero mas lalo raw tumatag ang relasyon nila.
Samantala, ang guwapo-guwapo ni Javi ngayon. Hindi makapaniwala ang Abante reporter na si Athena Yap sa lakas ng appeal ng actor-politician. Kahit kami ay biglang nagpantasya kay Javi.
Ang kinis ng kanyag balat, ang ganda ng jaw line, set of teeth at ang kulay ng mga mata niya. No wonder at baliw na baliw si Sue kay Javi.
Anak ni Kuya Kim tinamaan ng anorexia nervosa
Nagulantang ang mga follower, kaibigan ni Kuya Kim Atienza nang malantad sa social media ang sakit ng kanyang anak na babae na si Emmanuel.
Tinamaan ng “anorexia nervosa” si Emman, at ang dalaga mismo ang nagbahagi nito sa kanyang Instagram.
Ni-repost ni Kim ang post ng anak na may open letter ng kanyang dalaga na may titulong “Call Me Skinny”.
Nagkaroon ng mental health eating disorder si Emman, na ayon sa kanyang deskripsyon ng anorexia nervosa, “is a defined as emotional disorder characterized by an obsessive desire to lose weight by refusing to eat” in no area does it specify “underweight”.
Sa pagnanais ni Emman na pumayat hindi raw nito namalayan na underweight na siya at hindi na napigil pa ang pagpayat.
“I would sometimes eat much less than a healthy body needs to survive…” bahagi ng sulat niya.
Unti-unti nang nakakabawi si Emman sa kanyang sakit ngayon.
Makikita sa IG ni Emman ang itsura ng katawan niya.
Payo niya sa mga nagpapayat, “D. o your research before dieting and remember to know your limits.”
Dennis sabik na kina Claudia, Julia, Leon
Magkaroon man ng giyera sa pagitan nina Dennis Padilla at kanyang mga anak, dahil sa pagpu-post niya ng mga larawan nina Julia, Claudia, Leon, hindi na ito alintana ng komedyante.
Posibleng muling magngitngit si Leon sa panibagong post ng kanyang tatay, kung saan ibinahagi nito sa Instagram ang throwback photo na magkasama sila ni Claudia.
Birthday ni Claudia at dinaan ni Dennis sa post ang pagbati sa anak na dalaga kay Marjorie Barretto. Dalawang magkakahiwalay na birthday post ang ginawa ni Dennis para kay Claudia.
May mensahe pa itong “miss you” at “love you”.
Ang mga ganitong posts ni Dennis ang inirereklamo ni Leon at ng kanyang mga anak, na naglalantad sa sitwasyon nila.
Wala namang magagawa si Leon kung ayaw paawat ng kanilang ama.
from Abante https://ift.tt/RgHBMq5
via IFTTT
Comments
Post a Comment