Kyle Echarri ‘elyang-elya’ kay Chie Filomeno

Kering-keri ni Kyle Echarri ang role niya bilang si Dave sa iWantTFC original series na ‘Beach Bros’.

Sa ‘Beach Bros’ nga kasi ay tila elyang-elya si Kyle kay Chie Filomeno, na gumaganap naman bilang si Nicole.

Sa simula pa lang ng serye, makikita na agad na sa unang pagtatagpo nina Chie at Kyle, nagbago na agad ang pakiramdam ng huli. Buhay na buhay ang dugo niya sa kagandahan, kaseksihan ni Chie.

At sa mga kasunod pang eksena, napanaginipan na niya na nilalandi siya ni Chie, na ang ending siyempre, nagising siyang tila buhay na buhay ang kanyang harap.

Pero, ipakikita nga rin kung ano nga ba ang matigas na `yon sa loob ng shorts ni Kyle.

May eksena rin na nilalagyan ng oil, minamasahe ni Kyle si Chie, at ganun na naman, nagbabago ang pakiramdam ng binata, na init na init, pawis na pawis, sa tuwing nadadampian niya ang katawan ni Chie.

Bagay na bagay kay Kyle ang papel na isang lalakeng ngayon pa lang namumulat sa kamunduhan, na nagpipigil nga. Bet na bet ang eksena na nabubulol siya, at hinahawakan niya ang kanyang harap, sa tuwing naiisip,  o kausap si Chie.

In real life kaya, malakas din ang dating ni Chie kay Kyle? O pinapantasya rin kaya ni Kyle si Chie?

Anyway, kilig at good vibes din ang handog nina Kyle, Chie sa ‘Beach Bros’ na may chemistry rin naman sila, ha!

Kasama rin nila sa serye sina Angelica Lao, Kira Balinger, Brent Manalo, Raven Rigor, Sean Tristan, Lance Carr.

‘You only live once’ ang life motto ng grupo nila, kaya naman nagsusumikap sila bilang mga waiter at pool boy sa isang enggrandeng resort para matupad ang pangarap nilang manirahan sa Manila.

Kahit sinasakyan nila ang mga kalokohan ng isa’t isa, mayroon pa rin silang pinagdadaanan na mga pagsubok sa kani-kanilang buhay. Desperado si Dave na kumbinsihin ang kanyang ina na payagan siyang mag-aral sa Manila; nagkakalabuan naman si Billy at ang kanyang matinong girlfriend na si Yasmine (Angelica); si Jason ay may lihim na pagtingin kay Erika (Kira); habang si Pete naman ay may tinatagong feelings para sa kanyang best friend.

Magbabago ang buhay ng kanilang barkada nang makilala nila si Nicole (Chie). Si Nicole ay isang misteryoso at sexy na babaeng tila tutulong sa kanilang barkada kung paano maging wais sa kanilang mga desisyon.

Mapapalapit si Nicole sa kanila, lalong-lalo na kay Dave na patay na patay na sa kanya. Ngunit malalaman ng grupo na mayroon pa lang ibang pakay si Nicole at may itinatago itong sikreto na maaaring ikapahamak nilang lahat.

Malulusutan ba ng barkada ang kanilang mga problema? Ano ang totoong pagkatao ni Nicole?

Mapapanood na ng libre ang feel-good serye ngayong July 16.

The post Kyle Echarri ‘elyang-elya’ kay Chie Filomeno first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/zADl9sX
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada