Lea eksenadora sa ‘Pretty Little Liars’

Nilabas na ng HBO Max ang trailer ng upcoming series na ‘Pretty Little Liars: Original Sin’ na kasama ang international Filipino star na si Lea Salonga.


Sa 3-minute preview ng ‘Original Sin’, pinakita ang group ng high school girls na inuusig ng hindi nila makitang tao para paghigantehan sila dahil sa ginawa ng kanilang mga magulang 20 years ago.

Gaganap si Lea bilang si Elodie, ina siya ni Minnie (played by Maila Pyles) na gagawin ang lahat para maprotektahan ang kanyang anak sa naransan niyang childhood trauma.

Pinost ng Tony Award-winning actress ang official poster ng series sa Instagram na may caption na “Super excited!”

September 2021 nang i-announce na kasama si Lea sa naturang HBO series na prequel sa original 2010 series na Pretty Little Liars. Magsisimula na ang Pretty Little Liars: Original Sin sa July 28. (Ruel Mendoza)

The post Lea eksenadora sa ‘Pretty Little Liars’ first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/vcyU3Eq
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada