‘LOL’ 11:00am, ‘Showtime’ 12:45pm: Sanib puwersa nina Vice-Vhong-Anne, Billy-Alex simula na sa Sabado

Inanunsiyo na ng ‘Lunch Out Loud’, pati ng ‘It’s Showtime’ ang back-to- back ganap sa kanila, at magsisimula `yon sa Sabado (July 16).

Marami nga ang nagtatanong kung sino ba sa dalawang noontime show ang mag-ookupa ng ‘noontime’ talaga?

Pag sinabi kasing ‘noontime’ dapat ay ‘katanghalian’ talaga. Na tipong 12:00 o ‘middle of the day’ nga.

Anyway, heto ang mensahe ng ABS-CBN tungkol sa back to back ng dalawang bonggang show:

“Apat na oras na saya at sorpresa mula sa ABS-CBN Entertainment, Brightlight, Zoe Broadcasting Network, at TV5.

“Lunch Out Loud’ and “It’s Showtime’, back-to-back na ang pagpapasaya tuwing tanghali sa A2Z, Kapamilya Channel, TV5.

“Araw-araw na mabubusog sa saya at madadagdagan ng sigla ang buhay ng mga Pilipino tuwing tanghali sa back-to-back na pagpapalabas ng “Lunch Out Loud” and “It’s Showtime” sa A2Z, Kapamilya Channel, at TV5.

“Simula Hulyo 16 (Sabado), magsisimula na ang pinakabagong noontime experience ng viewers dahil masusubaybayan ang “Lunch out Loud ” simula 11 am hanggang 12:45 pm at susundan ito ng “It’s Showtime” pagsapit ng 12:45 pm hanggang 3 pm para walang patid ang saya sa tanghalian.

“Mae-enjoy ng tropang LOL sa “Lunch Out Loud” ang iba’t ibang mga laro tulad ng kakaibang dating game para sa mga dating magkasintahan na “H.O.P.E,” ang showbiz quiz na “Maritest,” ang pagalingan ng hosts sa pagsagot sa “Beat The 2,”  limpak-limpak na papremyo sa “Pera Usog,” at pagtupad ng mga hiling sa “Sagot Mo, Sagot Ko.”

“Patuloy namang maghahatid ng saya at magiging tulay ng pag-asa sa Madlang Pipol ang “It’s Showtime.” Sa loob ng 13 taon, sinubaybayan at ipinagmalaki ng mga manonood ang husay at talento ng mga Pilipino sa “Tawag ng Tanghalan.” Nagbibigay din ito ng inspirasyon at kasiyahan sa pamamagitan ng mga kwento ng contestants sa iba’t ibang segments tulad ng “Sexy Babe,” “ReINA ng Tahanan,” “Miss Q and A,” “MiniMe,” atbp.

“Ang masayang samahan at kulitan ng “It’s Showtime” hosts ay patuloy ding mararamdaman sa kanilang tuloy-tuloy na paglilingkod sa lahat ng ating Kapamilya, Ka-A2Z, at Kapatid.

“Dahil sa kolaborasyon ng ABS-CBN Entertainment, Brightlight Productions, Zoe Broadcasting Network, at TV5, mas maraming Pilipino pa sa bansa ang maaabot ng mga dekalidad na programa na magpapangiti sa mga manonood tuwing tanghali.”

Bongga, di ba?

Well, abangan na lang natin kung magkakaroon ng synergy o magkakaroon ng chance na magchikahan sina Billy Crawford, Alex Gonzaga, mga host ng LOL, kina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, mga host ng ‘It’s Showtime’, ha! (Dondon Sermino)

The post ‘LOL’ 11:00am, ‘Showtime’ 12:45pm: Sanib puwersa nina Vice-Vhong-Anne, Billy-Alex simula na sa Sabado first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/kLb91YC
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada