Lovi humirit ng ‘romansa’ kay Piolo

Kasisimula pa lang ng “Flower of Evil” pero looking forward na si Piolo Pascual sa next project niya kasama si Lovi Poe at sana nga “MMK” na raw ang gawin nila.

Tinanong kasi ni Bianca Gonzalez sa “CinemaNews” ng Cinema One YouTube channel kung anong susunod na project ang gusto nilang gawin na magkasama.

“I told her ‘MMK.’ Sabi ko anytime, let’s do it,” sagot ni Papa P.

Si Lovi naman, nais makipag-partner kay Piolo sa isang romcom (romance-comedy) dahil gusto niya ng isang magaan na project matapos ang bigat ng dramang “Flower of Evil.”

“Knowing him…he makes me laugh on set a lot, like tawa ako nang tawa, so I really want to have that moment din on screen,” chika ni Lovi.

So far ay successful ang chemistry ng dalawa bilang mag-asawa sa seryeng “Flower of Evil.” Nababasa nga raw nila ang magagandang comments ng viewers sa social media kaya nagpapasalamat sila sa lahat ng suportang ipinaparamdam sa kanila.

“Everyone is raving over the quality… It’s a delight to see it, it’s a delight to watch it.  So I’m just really happy that, you know, people are happy about it as well,” sey ni Piolo.

Patawang sinabi rin ni Piolo na nabilib ang kanyang ina sa “psychotic” na performance niya bilang ang misteryosong si Jacob del Rosario.

Kahit kasisimula pa lang ng show, sobrang intense na ng mga pangyayari. Pero mas exciting pa ang mga susunod na episode, lalo na at naibunyag na kasali si Paulo Avelino sa cast bilang tunay na Jacob del Rosario.

Napapanood sina Piolo, Lovi, at Paulo sa “Flower of Evil” sa Viu kada Huwebes at Biyernes ng 8 PM, at sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, at A2Z kada Sabado at Linggo ng 9 PM. (Dondon Sermino)

The post Lovi humirit ng ‘romansa’ kay Piolo first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/dTFH2Br
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada