Manlunas, Zapanta pasiklab sa darts

PETMALU sina Ricky Soriano at Joel Orillana matapos magkampeon sa ‘Ka Rex Cayanong’s Darts MIMO 002’ mini tournament na nilaro noong Hulyo 9 sa C. Lawis Street sa Bgy. Dela Paz, Antipolo City.

Nagtambalan sina Soriano at Orillana upang angkinin ang korona sa 501 doubles event na palaro ni veteran broadcaster Ka Rex Cayanong na suportado ni Kap. Jojo Salen ng ABC Press-Antipolo.

Lumanding sa second place ang tandem nina Ferdinand Pante at Edison Lagman, hindi basta nagpadaig sa finals kontra kina Soriano at Orillana.

Nagkampeon naman sa 301 singles event si Jayson Manlunas habang second place si Cris Zapanta.

Ang ilan sa mga aktibong darter ng Antipolo ay sina Richie Marquez, Eugene De Jesus, Jovit Cabarle, Nap Esperas, Albert Penaflor, Ricky Malpal, Tuking Lico Ong, Jomar Olivares, Jhun Adia, Kap Jojo Salen Gio Andrew Cayanong at Dave Panganiban.

Sina Cayanong at Salen ang tumutulong at sumusuporta sa mga darts player sa Antipolo upang mas mahubog ang kanilang mga talento sa nasabing sport.

Samantala, ang nasabing palaro ni Cayanong ay para magkaroon ng mapaglilibangan ang mga residente sa Antipolo at makaiwas sa masasamang bisyo. (Elech Dawa)

The post Manlunas, Zapanta pasiklab sa darts first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/s0AHRkF
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada