Mikropono baligtad: Regine binuraot ng mga fan sa kapalpakan

Binuraot ng mga netizen si Regine Velasquez dahil sa isang solo spot singing video ng singer-actress na ikinalat sa twitter.

In-upload ni @rvthings ang splice-video ni Regine kung saan kumakanta ito nang baliktad ang hawak na microphone.

Habang kumakanta, binaliktad ni Regine ang mikropono para itama sa pagkakapuwesto, na ang mouth part nito ang dapat nakatapat sa kanyang bibig.

Tawang-tawa ang nag-upload sa kapalpakan at tila lutang na si Regine nang mga sandaling ‘yun. Umayon naman at umamin sa kanyang pagkakamali si Regine.

“Wala namang nakapansin, ‘di ba? #ehyungbaliktadmicko. Wag kayong maingay ha?” sabi ni Regine.

Hindi na umalma si Regine sa pagburaot sa kanya ng mga tagahanga mismo niya. Sa halip natawa na lang ito sa kanyang kapalpakan. (Rey Pumaloy)

The post Mikropono baligtad: Regine binuraot ng mga fan sa kapalpakan first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/b1eRhDz
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada