My Prancealot, Tony’s Love patok

MASISILAYANG muli ang tikas nina My Prancealot at Tony’s Love matapos magdeklara ng pagsali ang kani-kanilang kuwadra sa Open Invitational Race for Imported & Local Horses na pakakawalan saa Linggo sa Metro Turf sa Tanauan City, Batangas.

May distansiyang 1,800 metro, ang ibang nagsaad ng pagsali ay sina A.P. Factor, Dragon Butterfly, Isla Puting Bato, Joyous Solution, In The Zoon at Sudden Impact.

Nakalaan ang guaranteed prize na P500,000 sa event na suportado ng Philippine Racing Commission (Philracom) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.

Ayon sa komento ng mga karerista sa social media, malaki ang tsansang manalo ni Tony’s Love dahil coupled-entry nito si In The Zone na sasakyan ni jockey MA Lanot.

Rerendahan ni Pabs Cabalejo si Tony’s Love habang si NC Lunar ang gagabay kay My Prancealot.

Hahamigin ng owner ng mananalong kabayo ang P300,000, mapupunta ang P100,000 sa second placer habang P50,000 at P25,000 ang third at fourth, ayon sa pagkakasunod.

Kukubrahin ng fifth ang P15,000 habang P10,000 ang iuuwi ng sixth. (Elech Dawa)

The post My Prancealot, Tony’s Love patok first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/Vsxl2Ze
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada