Nadine hubo’t hubad, kalat sa internet

Tuloy-tuloy ang pagiging agresibo ni Nadine Lustre. Naghubo nga siya sa beach ng Siargao, na kinagulat ng mga netizen.

Ang Siargao-based photographer na si Wang Borja ang namahala sa pictorial.

Sa isang kuha ni Nadine, nakatakip lang ang kanyang mga kamay sa boobs at nakalubog ang kalahati ng katawan sa tubig. Sa isang shot ay wala siyang suot na bikini bottom at todo emote lang sa dalampasigan.

May kuha rin si Nadine na naka-sideview siya at aninag ang nipple niya.

Pinost ni Borja ang kanyang mga kuha kay Nadine sa Instagram na may caption na “Let life unfolds itself.”

Hindi pa pino-post ni Nadine ang mga daring photos niya sa kanyang social media accounts, pero kalat na sa internet ang mga ito.

Ang naturang nude pictorial ay para raw sa album ni Nadine na ‘Wildest Dream’.

Hindi naman bago si Nadine sa pag-pose sa mga daring photo shoot. Karamihan ng kanyang mga photo ay mga revealing outfits suot niya at may pa-side boob pa siyang mga kuha. Ngayon lang siya nagpakuha ng hubo’t hubad na tiyak na pagpipistahan ito ng mga manyakol sa internet. (Ruel Mendoza)

The post Nadine hubo’t hubad, kalat sa internet first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/pNSZUK4
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada