Nakasama mag-igib si crush

Hello, sana mabigay din tong kahulugan ng panaginip ko.
So, nakita ko sa panaginip ko na kumukuha raw ako ng tubig sa likod ng church namin. Tapos habang sumasalok daw ako ng tubig at nilalagay ko sa timba, nakita ko raw ‘yung isa sa nasa music ministry namin. Sa totoo lang, super crush ko siya. Nakita ko may dala rin siyang timba para sumalok din sana ng tubig, pero sinabihan ko raw siya na sobrang liit ng dala niya kaya dapat kumuha siya ng mas malaki. May ibig sabihin kaya ito? Salamat.
– Vicky
Isang pahiwatig ang panaginip na ito na nasa punto ka ng iyong buhay ngayon kung saan nangangailangan ka ng spiritual guidance o kaya naman ay matinding kagustuhan na magkaroon ng achievement.
Maaaring nasa gitna ka ng kritisismo at marami na ang nagbibigay sa iyo ng suggestion para mapabuti mo ang iyong sarili. ‘Yun nga lang, sa dami nito, posibleng hindi mo na alam kung ano ang pakikinggan at susundin.
Ang pagsalok o pagkuha mo ng tubig ay nagsasabi rin na nais mong kumawala o takasan na ang mga problemang na iyong kinakaharap sa ngayon. Pwede rin na masyado mong ino-overanalyze ang sitwasyon.
Ang tubig naman ay nauugnay sa cold emotion mo. Posibleng nakaranas ka na masira ang iyong personal space, na pinakaayaw mo.
Bagama’t nasa gitna ng problema, nagtatagumpay ka pa rin dahil sa iyong determinasyon at dedikasyon na magpatuloy. Mas tibayan mo ang iyong loob at huwag magpa-distract sa mga nasa paligid.
Sa kabilang banda, ang pagkuha mo ng tubig ay isa ring sign ng pagiging creative at talentado mo. Kahit nahihirapan, kaya mong mag-enjoy sa ginagawa mo.
Ang parte naman kung saan nakita mo ang iyong crush ay nagrerepresenta na may mga opurtunidad na magbubukas sa iyo. Excited ka man sa idea na makasama ang iyong crush, ang feelings na ito ay maaaring pagkasabik pala sa mga pwede pang maganap sa hinaharap.
DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspekto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com
The post Nakasama mag-igib si crush first appeared on Abante.from Abante https://ift.tt/9KRxP6U
via IFTTT
Comments
Post a Comment