NASCAR driver tepok sa saksak

Patay si NASCAR driver Bobby East matapos siyang saksakin sa dibdib ni car drifter Trent William Millsap nitong Miyerkoles ng gabi sa California.

Nagpapa-gas si racecar driver East, 37 nang magkaroon sila ng mainitang pagtatalo ni Millsap bandang alas-6 ng gabi sa California gas station.

Hindi naman alam kung ano ang kanilang pinaagtatalunan, bumunot ng patalim si Millsap at saka inundayan ng saksak si East sa dibdib.

Agad na tumungo ang mga alagad ng batas sa pinangyarihan ng krimen, naabutan nilang nakahandusay si East at dinala ito sa ospital pero idineklara na itong patay.

Kinukunsideraang mapanganib na tao si Millsap na may outstanding parole warrant at nagpapalitap-lipat ito ng tirahan, puro tattoo ang kanyang mukha.

Si East ay three-time U.S. Auto Club champion, nasilo rin nito ang titulo sa USAC Silver Crown Championships noong 2012 at 2013. (Elech Dawa)

The post NASCAR driver tepok sa saksak first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/jsSMoOC
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada