Rayver forever mamahalin si Julie Anne

Dahil sa salitang “Yesterday, Today and Tomorrow”, hindi napigilang humagikgik sa kilig ni Julie Anne San Jose sa kasintahang si Rayver Cruz, na siyang nagbigkas ng mga nabanggit na kataga.

Kumanta si Julie Anne ng awiting pinasikat ng The Beatles na “Yesterday”, kung saan tinutugtugan ito ng yukelele ni Rayver.

Mapapanood ito sa mismong Instagram ni Rayver, at kuha sa sala sa bahay ng kapatid nitong si Rodjun at Dianne Medina.

Inawit ni Julie na punung-puno ng puso ang kanta. Makikita namang ngiting-ngiting si Rayver sa pagnamnam ng golden voice ni Julie.

Nang tapusin ni Julie ang kanta niya sa linyang “Yesterday”, dinugtungan ito ni Rayver ng “Today and Tomorrow”.

Impit na tumawa sa kilig si Julie habang pinanggigilan siya ni Rayver. Parang nangangako nga kasi si Rayver na ‘forever’ niyang mamahalin si Julie Anne, ha!

Pero, ‘yun nga lang, biglang kambiyo si Rayver at sabay sabing “it’s a funny joke.”

Kainis si Rayver ha, panira ng kilig sa kanila ni Julie Anne!

Maging si Marian Rivera ay na-in love sa tandem ng dalawa, at pati na rin si direk Mae Cruz Alviar. (Rey Pumaloy)

The post Rayver forever mamahalin si Julie Anne first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/3RnOZSL
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada