Sandara biglang umeksena sa concert ni BamBam


Tatlong taon din ang nakalipas at muling nakabalik si Sandara Park sa Pilipinas, ang bansa na para kay Sandara ay second home na niya.
Matagal na ngang gusto ni Sandara na muling makapagbakasyon sa bansa. Katulad noong pre-pandemic na ilang beses sa isang taon siya nagpupunta ng Pinas.
Base sa Instagram post ni Sandara, sinamahan lang daw niya ang kaibigang si BamBam, ang Thai rapper na naka-base sa South Korea at miyembro ng boy band na Got7. Supposedly, backstage lang siya, pero bigla siyang pinag-perform sa concert nito.
Kaya sey nito, “Grabe!! What a totally unexpected day today! Came here to support my dear brother, @bambam1a and I ended up performing on stage. Nag-enjoy ba kayo? Sana nag-enjoy kayo!”
Pambansang Bae pinabayaan si Yaya Dub
Nanggulat talaga sina Arjo Atayde at Maine Mendoza sa kanilang ginawang revelation. Engaged na ang ArMaine o sina Arjo at Maine. Present ang both families nina Arjo at Maine kaya walang-duda na tanggap na tanggap ng bawat pamilya ang isa’t isa.
Ang engagement reveal ni Maine sa kanyang Instagram account ay kitang-kita ang malaking hugis pusong diamond ring ni Maine.
Si Arjo, ang sabi naman, “My turn. I will marry you, cutie.” Sinunod niya ang July 28, 2022 kung kailan siya nag-propose at special sa kanilang date.
At habang masaya ang karamihan ang lahat, kabaligtaran naman ang nararamdaman ng mga Aldub fans na until now ay naniniwalang sina Maine at Alden Richards talaga ang magkarelasyon. While others believe na sina Maine at Alden ay kasal na, huh!
Ayaw ring maniwala ng iba na engaged na ang dalawa, na hindi raw `yon si Maine.
Trending din si Alden Richards sa Twitter. Nagpasalamat din ang Pambansang Bae sa mga nag-donate ng dugo para sa kanyang Lolo.
Pero, damay talaga si Alden sa naging engagement announcement nina Arjo at Maine.
Si Alden ang sinisisi kung bakit nagkaroon ng ArMaine.
Pero comment ng ibang fan, bilang proteksiyon sa bida ng “Start Up Ph” ng GMA-7, “I hope no one makes fun of or even use this as an opportunity to mock at the expense of Alden as he is currently dealing with some personal problems, too. “Please pray for the strength of his Lolo Danny and the whole Faulkerson family instead.”
from Abante https://ift.tt/TrFGAjs
via IFTTT
Comments
Post a Comment