Sarah, Matteo pinang-shopping mga magsasaka

Pinasaya ng mag-asawang Sarah Geronimo, Matteo Guidicilli ang mga magsasaka ng Paete, Laguna nang i-treat nila ang mga ito sa isang shopping spree sa Lander’s Superstore.
Nasa YouTube ni Matteo ang event kung saan sinabi ni Matteo na gusto nilang mag-asawa na bigyan ng biyaya ang mga nabanggit dahil ang mga ito ang nabubungaran sa umaga at nakakasama sa tuwing nas Laguna sila.
Higit sa anim na magsasaka ang nag-grocery habang sinusundan ng camera. Sabi nga nila, malaking bagay sa kanilang mga pamilya ang biyaya na galing sa mag-asawa.
Hindi na sinabi kung may budget ang bawat isa, pero sobra-sobra ang mga item ng mga ito na makikita sa cart.
Sabihin mang sponsor at hindi galing sa bulsa nina Matteo, Sarah ang pinang-grocery ng mga magsasaka, kapuri-puri pa rin sila dahil sila ang gumawa ng paraan.
Ang problema lang, pinutakti ng ibang mga magsasaka, mahihirap na kababayan natin, ang post ni Matteo, na humihingi rin ng pang-grocery sa mag-asawa. (Rey Pumaloy)
from Abante https://ift.tt/Zx3wh9D
via IFTTT
Comments
Post a Comment