Sen. Robin mas love si Mayor Joy kesa Ai-Ai

Bilang token of appreciation ng Quezon City Police District (QCPD) sa pagdalo ni Senator Robin Padilla sa pagdiriwang ng Eid al-Adha nitong Sabado (July 9), ay nakatanggap ito ng isang baril.

Si Binoe ang napili bilang guest of honor at speaker sa naturang okasyon.

Bilang isang Muslim, si Robin ay may pangalan na Abdul Aziz.

Kita sa mukha ni Sen. Robin ang kasiyahan sa pagtanggap ng kakaibang pistola na may nakalagay pa na pangalan ng aktor.

Bukod sa senador, nanguna rin sa selebrasyon sina QCPD Director PBGen. Remus Medina at PLTCol. Resty Damaso sa QCPD Grandstand, Camp Karingal, QC.
Sa kanyang talumpati ay binati nito ang kanyang mga kapwa-Muslim.
Kilalang mahilig mangolekta ng mga baril ang tinaguriang “Bad Boy of Philippine Cinema” na karamihan ng mga pelikula ay action genre.
Hindi rin lingid sa kaalaman ng lahat na nakulong ito sa kasong illegal possession of firearms ngunit dahil sa mabuting asal habang nakapiit ay nabigyan ng parole.

Samantala, nabanggit ni Sen. Robin si QC Mayor Joy Belmonte sa kanyang talumpati sa naturang okasyon.

“Hindi ako hunyango!” ang sabi ni Sen. Robin habang pinakikilala si Mayor Joy.

“Akin pong babatiin muna, una sa lahat, ‘yung akin pong paboritong Mayor Joy Belmonte. Kinampanya ko po ‘yan. Ako po’y solid. Hindi po ako hunyango, ah!” sey ni Sen. Robin.

Si Mayor Joy ay nirepresenta sa okasyon ni RJ Belmonte na secretary to the mayor.

Matatandaang naging mainit ang bakbakan sa pagka-mayor ng Quezon City kung saan naglaban sina Belmonte at Mike Defensor. May nag-viral pa na video kung saan tampok si Ai-Ai delas Alas bilang Ligaya del Monte sa kasagsagan ng campaign period, na likha ni director Darryl Yap.

Kaalyado ni Robin si ngayon ay President Bongbong Marcos, na ang manok naman sa pagka-mayor ng naturang lungsod ay si Defensor.
Sa huli, si Belmonte pa rin ang nanalo sa pagka-alkalde ng QC. (Batuts Lopez)

The post Sen. Robin mas love si Mayor Joy kesa Ai-Ai first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/LAycnlb
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada