‘Showtime’, ‘LOL’ back to back: Vice, Vhong, Billy, Alex sanib puwersa sa TV5

Kahapon ay nag-update sa amin si Anna Puno, ang promoter ng ‘Fully Vice-cinated!’ US concert tour ni Vice Ganda.

Nasa Seattle, Washington na sila para sa kanilang July 8 show (actually, behind ang oras sa Amerika compared dito sa ‘Pinas, kaya bukas pa ng umaga magaganap ang third show nila).

July 10 naman ang show nina Vice sa Atlantic City at after that, magnu-New York sila.

Sey pa ni Anna, hanggang July 14 sa New York City ang grupo ni Vice. Bale mamamasyal pa nga ang Unkabogable Star at dyowang si Ion Perez at iba pa nilang mga kasama.

Kuwento naman ng isang friend namin, panay ang shopping ni Vice at sobrang enjoy sa Amerika.

Noong Tuesday night nga, after raw ng Melrose shopping, nag-Yamashiro Hollywood din si Vice at gumawa pa nga ng vlog kasama si Chef Vallerie Castillo-Archer.

Teka! Kung hanggang July 14 nga pala si Vice sa New York City (malamang na gabi ng July 15) ang dating niya, sa July 18 ay balik na ba siya sa ‘It’s Showtime’?

On that day ba ay mapapanood na rin sa TV5 ang noontime show ng ABS-CBN?

Lumabas na nga kasi ang kuwentong ka-back-to-back na very soon ng ‘Lunch Out Loud’ ng Brightlight Productions ang ‘It’s Showtime’, pero hinuhulaan pa nga kung pre-programming nga ba ng show nina Vice, Ogie Alcasid, Vhong Navarro and others ang show nina Billy Crawford, Bayani Agbayani, Alex Gonzaga and others.

Abangan na lang ang official announcement mismo ng ABS-CBN at TV5 tungkol doon!

Mga basher nakatutok sa ‘Maid in Malacanang’

Hindi naman lihim na may NDA (non-disclosure agreement) ang mga artista, staff, crew at lahat pa ng involved sa ‘Maid in Malacañang’ project ng Viva Films kaya naman tanging si Direk Darryl Yap lang ang madalas na mag-post ng mga nangyayari sa kanilang pelikula.

Pati mga picture na kuha sa kanilang shooting, si Direk Darryl ang nauunang mag-post at nire-repost lang ng mga artista niya like Ruffa Gutierrez, Karla Estrada, Cristine Reyes at iba pa.

Si Direk Darryl din ang nag-reveal na kasama si Senator Robin Padilla sa cast ng ‘Maid in Malacañang’.

Sa mga post din ni Direk Darryl nanggagaling ang ilang mga nasusulat sa mga pahayagan at sa mga entertainment website tungkol sa pelikula.

Pero three days nang hindi nagpo-post ng kahit na ano si Direk Darryl kaya marami tuloy ang nae-excite kung ano na nga ba ang mga bagong update tungkol sa ‘Maid in Malacañang’, huh!

Anyway, hindi naman maikakaila ang sinabi sa akin ni Direk Darryl sa isa sa mga chat namin na napakaingay ng ‘Maid in Malacañang’.

May mga basher rin na ayaw siyang tantanan tungkol sa pelikula, pero naniniwala nga siya na ang mga taong ‘yon na kung anu-ano ang sinasabi tungkol sa ‘Maid in Malacañang’ ang hindi palalampasing mapanood ang pelikula once na mag-showing na sila.

Speaking of showing ng ‘Maid in Malacañang’, abangan na lang mismo mula kay Direk Darryl at sa Viva Films kung kailan nga ba talaga ipalalabas ‘yon sa mga sinehan.

The post ‘Showtime’, ‘LOL’ back to back: Vice, Vhong, Billy, Alex sanib puwersa sa TV5 first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/m82IGUw
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada