Super Tekla natulala kay Vice Ganda


Matagal nang isinasabong si Super Tekla kay Vice Ganda. Madalas mo ngang makita sa mga social media na pinag-aaway ang dalawa, na pinagdidikit ang mga video nila, para lang ikumpara kung sino sa kanila ang mas mahusay magpatawa.
At dahil magkaiba sila ng istasyon, sa GMA-7 si Super Tekla, at sa ABS-CBN 2 naman si Vice Ganda, kaya lalong todo gatong ang mga netizen. Bet na bet nilang magkaroon ng kumpetisyon, sagutan, ang dalawa.
Pero, sa isang event nga, after ng mahabang panahon, nagkita, nagkasama sina Tekla at Vice. At ang inaasahang isnaban, awayan, ng mga netizen, ay hindi naganap.
“Well… Well… Finally! Ang super meet up with the Unkabogable Meme! Totoo pala ang word na ‘Starstruck’! Happy to meet you Meme. Labyu!” sabi ni Tekla sa mga photo nila ni Vice.
May mga pa-hashtag pa si Super Tekla na, #kaytagalkonghinintay, #finally.
Siyempre, happy nama ang mga fan, at bet nga nila na magsama ang dalawa sa pelikula, o mag-collab sa YouTube channel nila.
“Sana mag-movie at vlog kayo, for sure patok `yon!”
“Sana mag-tandem din kayong dalawa. Magkaroon kayo ng movie!”
Bongga `yon pag nagkataon, di ba?
‘Darna’ umeksena sa Antipolo
Ang bongga lang ng paandar ng CRB Creative Production, ang producer ng ‘Darna: The Series’ na pinagbibidahan ni Jane de Leon.
Kumakagat, at nag-aabang talaga ang mga faney sa paglipad ni Darna sa kanilang mga lugar.
Tulad na nga lang nang pag-arangkada ni Darna sa isang mall sa Novaliches. At noong isang araw ay sa isang mall naman sa Antipolo, City.
Panalo, di ba? Dahil ang mga bata, nag-aabang talaga, na kahit medyo hirap na hirap sa pagtanaw, dahil sa mga rooftop (na hindi naman kataasan, dahil kahilera lang ng lolo ng mall) ng mall nga lumalapag si Darna.
Feeling ng mga faney, si Jane talaga ang nakikita nila, dahil todo costume nga ang babae sa mall.
“Mismong si Jane ba `yon o double lang?” tanong ng isang fan.
“Ibang klase ang promo, ha! Ang taray ng ABS-CBN, kahit walang franchise, ang lupet pa rin ng mga paandar. Quality pa rin sila!” sey ng isang netizen.
Anyway, siyempre pa ay mas inaabangang ng mga fan ang tunay na paglapag sa kanila ng mga tunay na Darna, kahit daw sino kina Jane o Iza Calzado.
So, abangan!
from Abante https://ift.tt/jEvIROU
via IFTTT
Comments
Post a Comment