‘Wag sisihin si Alden’ AlDub Nation nag-iyakan, sugatan ang puso

ALDUB SIGNING OFF!

Kasabay ng announcement ng engagement nina Maine Mendoza, Arjo Atayde nitong Biyernes, July 29, 2022 (note: July 28, 2022 ginanap ang proposal), nag-trending din agad-agad ang #AlDub sa iba’t ibang social media platform.

Siyempre, bumaha ng luha mula sa mga fan na umaasam na ang mga idolo nila, magkasamang haharap sa altar sa bandang huli. Pero, hindi na nga `yon magaganap sa totoong buhay.

Ramdam na ramdam mo nga ang pagkawasak ng kanilang mga puso. Na ang iba ay hindi pa rin makapaniwala, at nabubuhay pa rin sa sitwasyon na kesyo kasal, may anak na sina Alden at Maine.

Heto nga ang iba’t ibang makadurog pusong reaksiyon ng mga AlDub fan:

“I never thought that my greatest heartbreak would be you two. My TOTGA. I’ll be fine/we’ll be fine someday we just need to heal in our own phase. Still thank you Alden and Maine I’ll always treasure the journey we all share. Maybe in another lifetime, maybe.

“SIGNING OFF.”

“Sobrang emotional ko sa engagement nina Arjo at Maine, akala mo naman kasali ako. ‘Di ko kasi makalimutan around 2015-2016 AlDub era. Ang nostalgic alalahanin. Ang layo na pala ng narating natin at ang bilis lang ng panahon. Tumatanda na tayong lahat.”

“Alden and Maine is destined to meet. AlDub is destined to happen.

Maybe not destined for each other, but destined to change each other’s lives drastically. No one can tell me otherwise. And we shall never regret being part of something phenomenal and magical.”

“Di ako nagsisising naging #AlDub fan ako. It was a wonderful experience filled w/ happy memories. Hindi man sila naging sa huli, sigurado ako that they will have a special place in their hearts for each other. Their paths crossed for a reason. Hugs.”

“Malaki Ang tulong ng AlDub sa aking nung panahon na nasa depression ako, nung nawala ang anak kong babae, dahil sa car accident, but, sa kasagsagan ng #AlDub unti-unti bumalik nanging naging okey ako. Kaya ngayon masakit man pero kailangan bitawan na.”

“Seriously, AlDub has a very special space in my heart. They thought me a lot of things and that’s the time when I am at my happiest. No heavy problems in life, just crying because of Lola Nidora’s madness. That’s why I am only wishing for Alden and Maine’s happiness.”

“You two may not ended up together but I just wanna say that I am grateful because you both became my source of genuine happiness. I am happy seeing you guys being successful in life, even tho’ it is individually. You deserve it guys so much. Ily. @mainedcm @aldenrichards02.”

“Naging therapy ang AlDub sa marami. I’m glad they came during the dark times in our life. Marami silang napasaya talaga. Marami silang na- inspire. And they changed the lives of others through ADN. Siguro yun talaga naging purpose nila sa buhay but not necessarily as a couple.”

Nakikiusap din ang mga fan na malalawak ang pang-unawa na huwag paglaruan si Alden ngayon, na huwag sisihin ang aktor ngayon, na hindi sila nagkatuluyan ni Maine, lalo na sa panahon ngayon, na malungkot ang binata, dahil sa kanyang lolo na may sakit. (Dondon Sermino)

The post ‘Wag sisihin si Alden’ AlDub Nation nag-iyakan, sugatan ang puso first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/5bvLPt7
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada