White Sox kinahon Twins

ITINULOY ng Chicago White Sox ang laro kontra Minnesota Twins pagkatapos ng pamamaril sa Independence Day parade sa Highland Park sa Chicago.

Anim na tao ang namatay sa insidente, nasa 30 ang sugatan. Isang 22-anyos na person of interest ang kinustodya ng pulisya pagkatapos.

Tuloy ang laro pero kinansela na ang postgame fireworks show. Sa halip, nag-alay ng panandaliang katahimikan bago ang first pitch.

Nanalo ang Twins 6-3 sa 10 innings.

Pumitik si Luis Arraez ng three hits kabilang ang tiebreaking RBI single sa four-run 10th ng Minnesota.

Umiskor si pinch-runner Gilberto Celestino sa grounder ni Arraiz kay Joe Kelly. Nagdagdag ng sacrifice fly si Jorge Polanco at kumalas ang Twins 6-2 sa two-run single ni Alex Kirilloff. (VE)

The post White Sox kinahon Twins first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/7nxgR8u
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada