Who wore it better? Kylie, Herlene kabugan sa pictorial

GGSS o gandang-ganda sa sarili ang isa sa pinakamaingay na kandidata sa papalapit na Binibining Pilipinas 2022 na si Herlene Budol aka ‘Hipon Girl’ sa latest photo upload niya sa kanyang Facebook page.
“I love my Fro’ – it’s not just a hairstyle; it’s a statement,” sabi ni Hipon habang suot ang pamatay na outfit na likha ni Thian Rodriguez.
Kulay itim na parang bra top lang ang pang-itaas na sinamahan pa ng pang-rock star na belt straps sa magkabilang braso. Ang pang-ibaba naman ay paldang itim.
Nagsusumigaw naman ang hairstyle niya na afro-look.
Hindi nga siya nakaligtas sa mapanuring mata ng mga netizen, dahil sa kanyang look ay kinumpara si Budol kay Kylie Verzosa, ang Miss International 2016.
Kamakailan kasi ay may post din si Kylie na suot ang kagaya ng damit ni Hipon.
“The future… Rarely the type to sit still, #KylieVerzosa is the definition of a woman who’s always on the go. Her daily life, ever so jam-packed with things to do, has always been fast-paced, and it’s exactly just the way she wants it to be,” ayon naman sa post ni Kylie sa Instagram.
“Same cla oh ganda pareho.”
“Ay iba rin talaga pasabog mo hanggang buhok.”
“Taray Twinning! hehe.”
“Ikaw paba ‘yan hipon? Parang hindi na kc. Ang Ganda muna subra.”
‘Yan nga ang ilan sa sey ng mga netizen sa post ni Hipon, kalakip ang mga photo na ikinukumpara kung sino ang mas magaling magdala ng halos magkakapareho na outfit sa kanila ni Kylie.
Nitong Martes ay nagkaroon ng press presentation sa Novotel, Manila Araneta City ang Binibining Pilipinas kung saan isa rin sa mga judge si Miss International 2005 Precious Lara Quigaman.
Magaganap ang Binibining Pilipinas 2022 sa Araneta Coliseum sa Hulyo 31, kung saan mag-aagawan sa korona ang 40 kandidata mula sa iba’t ibang sulok ng bansa. (Batuts Lopez)
from Abante https://ift.tt/sSJ6hfX
via IFTTT
Comments
Post a Comment