Zion bawal maging botsog

MAY isang kondisyon ang New Orleans Pelicans sa $193 million contract extension na binigay kay Zion Williamson.
Sa loob ng limang seasons, bawal magdagdag ng timbang ang 22-year-old power forward.
Sa kasalukuyan, nilista ng Pelicans si Williamson bilang 6-foot-6, 284 pounds.
May weight clause daw ang extension na posible pang sumirit hanggang $231M.
Ayon kay Christian Clark ng NOLA.com, maya’t maya ay isasalang sa timbangan si Williamson, at kailangan daw hindi lalagpas ng 295 ang kanyang combined weight at body fat.
No. 1 pick ng New Orleans si Zion noong 2019 pero naka-24 games lang sa kanyang rookie season dahil sa knee injury.
Nawala siya nang tuluyan sa buong 2021-22 dahil naman sa foot injury.
Sina personal trainer Jasper Bibbs at private chef Christian Green ang nakatutok kay Zion bago ang 2022-
The post Zion bawal maging botsog first appeared on Abante.from Abante https://ift.tt/0zJFaej
via IFTTT
Comments
Post a Comment